Kung pagmamasdan, mapapangiti ka na lamang,
Mahimbing na natutulog sa duyang gawa ng 'king magulang,
Ang sarap pagmasdan, kalmado at walang kamuwang-muwang,
Marahil kaya ako lumaki na buo ang loob, walang labis, walang kulang.
Juan Luna Elementary School
Sa elementarya kung saan ako natuto magbasa't sumulat,
Namulat sa katoohanan at bahagyang nagulat,
Kapalaran pala'y sadyang masaklap,
Kinakailangang ako'y lalong magsumikap.
San Sebastian College - Recoletos High School
Noong high school,
Nagsimulang mag-iskul bukol,
Nagpapanggap at palaging nagpapa-cool,
Ngunit mas madalas na hindi pumapasok sa school.
RP Youth Team
Pinagpalang biglang lumaki ng bahagya,
Humaba ang katawan pati na ang mga binti,
Nakuha sa pambansang koponan, abot langit ang ngiti,
Madaming oportunidad, hindi na gaya ng dati.
Ginoong Jojo "Mcguire" Dela Rama
Alas-dos ng madaling araw, sinundo at tumayo sa kama,
Binigyan ng pagkakataon ni Ginoong Jojo Dela Rama,
Nagising sa katotohanan, lumambot ang kama,
At diyan na nagsimula ang tunay na drama.
Reedley International School Back to Back Champion
Reedley Silverbacks
Bagong buhay, bagong eskwela, bagong kasama, bagong kapamilya,
Lahat nag-aabang, patok sa takilya,
Napagchampion ang Silverback na Goriila.
Hindi lang nila alam utak pala ay may kilya.
Addie
Hindi ko maisulat ang gusto kong isulat,
Basta mata ko ay namulat,
Pinatunayan mo hindi malas ang puwet kong may balat,
Umayos ang buhay kong dati'y kalat-kalat.
2008 UAAP Champion
Marso ng sumunod na taon, nakuha ko ang aking diploma,
Ang aking pinakamamahal nagpasyang sumama,
At sa awa ng Diyos, siya'y naging ganap na ina.
My Little Igorots |
Seryoso na.
Sa totoo lang, ito ang aking kauna-unahang pagkakataong kong sumulat ng blog. Na-inspre lamang ako sa aking kaklase at kaibigan na si Mark Delgado.
Ako ay si Jobe Nkemakolam. Lumaki ako sa Sampaloc sa Maynila. Pinalad akong mabigyan ng mataas na height ng Poong Maykapal na tamang-tama upang makapag-laro ng basketball. Dahil dito, nakapag-aral ako sa iba't ibang paaralan. Nanggaling lang ako sa mababapang paaralan ng Juan Luna at doon nagsimulang mag-level up.
Nag-aral ako sa mataas na paaralan ng San Sebastian at lalo pang nag-level up nang mapunta sa Reedley International School. Mas lalo pa akong nag-level up nang sa kolehiyo ay nakapagtapos ako sa Ateneo de Manila University.
Malaking tulong ang experiences ko sa Ateneo. Maraming katanungan ang nasagot. Sa totoo lang, mahirap ang lumaki sa piling lamang ng ina at lola pero dahil dito ay naging mapagmahal ako sa mga babae at naging babaero din (joke lang, feeling pogi). Pero seryoso, iba ang pagmamahal ng ina at lola. Walang katumbas. Lahat ibibigay nila para mapaganda ang buhay ng anak nila.
Sa aking pag-aaral, madami akong nakilala mula sa mga matataas na tao (sing-taas ng 7 feet) hanggang sa mabababa naman at malilinggit. Napagtanto ko na singdami ng pagkakaiba natin ang atin ring pagakakatulad.
Una, lahat tayo ay may iba't ibang ugali, tradisyon, pangarap, problema, minamahal at kinasusuklaman.
Ngunit sa dami ng pagkakaiba natin, ang pagkakapare-pareho natin ay nasa iisang bagay - ang kamatayan.
Minsan mahirap isipin ngunit ito ang katotohanan. Kaya nga habang may buhay pa tayo, sikapin nating mapuno ng pag-asa at sikapin natin magpagkatao.
thanks itim na pusa lol :) God bless Man woman or it.
TumugonBurahinNice one Jobe! OBF !
TumugonBurahin